Now What, Cat? Rotating Header Image

Ang Parabula ng Bansag

Dear mouse,

Ito ay isa lamang sa mga parabula. Para sa listahan ng mga parabula, klik lang ito.
Mga Bugtong at Parabula.

uploaded by cathcath

Ang aking number one topic searched is “parabula”. Pero hindi ito ang dahilan sa pagsulat ko ng parabulang ito. Basahin ninyo mga overseas Filipinos.

Ito ang isang parabula ng bansag o imbentor ng mga pangalan. Bansag is label.

Umuwi si Isko,Jr. na sugat-sugatan. Nakipag-away siya. Tinutukso raw kasi siya na ang kaniyang ama ay si ISKONG Patay-patay. Pagdating niya sa bahay ay tinanong niya ang kaniyang ama bakit tinatawag silang pamilya ng patay-patay. Natawa si ISKO. Kasi raw noong bata pa siya ay mahina siyang dumiskarte sa mga babae kaya tinawag siya ng kaniyang amang patay-patay. Nalaman ito ng mga kapitbahay nila at sinimulan din siyang tawagin papatay-patay.

Ano ang leksiyon ng parabulang ito. Kung ano ang ibabansag mo sa sarili ay siyang itatawag saiyo ng iba,

Isa na namang manunulat ang nagbigay ng bansag sa Pilipinas ng NATION OF NANNIES. Wala pa rin tayong pag-unlad sa kaisipang ang pinakamagaling na gawain ay pang-opisina at anumang trabahong nadudumihan ang ating kamay ay nakakahiya.
Hindi man diretsong iniinsulto ang mga nannies/caregivers, ang tema ng sulat ay pagkakahiya sa mga taong nagbibigay ng dolyar para sa Pilipinas dahil daw naghihirap ang mga taong ito sa Pilipinas. Tila ba ang kanilang dahilan ng pagkakakuha sa trabaho ay dahil mahirap sila at gustong umalis.

Ikumpara ito sa mga manunulat na ang isa ay sumulat pa nang ang mga Pilipino raw sa ibang bansa ay mga nagpupunas ng puwet ng may puwet.

ANO BA ANG KAIBAHAN NG MGA MANUNULAT NA HUMAHALIK SA PUWET ng mga pulitikong kanilang sinusuportahan ….

at ang mga nannies/ caregivers na mga nagpupunas ng puwet ng kanilang inaalagaan upang kumita ng pera pangtustos sa kanilang pamilya.

YOng una ay inaamoy ang ang maruming puwet, yong ikalawa ay nililinis ang puwet na marumi. Yong una ay walang onor, kahit Nora, iyong ikalawa ay mayroon.

Kaya dapat ang mga dumudusta sa mga masisipag at hindi nahihiyang marumihan ang kanilang kamay sa halip na marumihan ang kanilang mga konsensiya ay batuhin ng maruruming nanggagaling sa puwet.

Tama kayo GALIT AKO. GALIT AKO SA MGA MANUNULAT NA IYAN. SA TINDING PAMUMULITIKA NILA AT GALIT SA GOBYERNO, ang iniinsulto nila ay ang mga kababayang siyang dahilan ng maraming dolyar na pumasok sa bansa. Subukan kaya nilang pumunta sa ibang bansa? Ano naman ang papasukan nilang trabaho dito.

Kaya sa sumulat ng NATION OF NANNIES , SHee….ka. Tama ka ang mga Pilipinang nasa ibang bansa ay sensitibo sa mga taong mga istupido na katulad ng isinulat mong naglagay
ng want ads. Sila ay ignorante. Ignorante ka rin kaya na maraming titser ang nakapasok sa Estado Unidos ngayon para turuan ang mga Puti? Ignorante ka rin kaya sa balitang maraming nakapasok na mga narses sa Estados Unidos para punuan ang kakulangan nila ng mga narses dahil walang mga Puting nagtatapos ng kolehiyo? Ignorante ka rin kaya sa maraming mga propesyonal na Pilipino na KAHIT NAMAN MARAMI SILA SA PILIPINAS (EXCESS MANPOWER BA? Hindi rin naman sila makukuha kung wala silang kakayahan.
KAYA SILA NAKUKUHA DAHIL MAGALING MAGTRABAHO ANG PILIPINO otherwise, kukuha sila sa mas maraming mga populasyon na papayag kahit maliit lang ang sweldo.

Ang France ay kilala rin sa kanilang mga nannies at ang UK ay sa kanilang mga butlers or house managers. Hindi mo sila marinig na tawagin ang kanilang bansa ng Nation of Butlers.

O hindi mo alam ito?

The Ca t

P.S. Yong nakikipagdebate sa akin sa kabila, siguruhin niyang mahaba ang kaniyang pisi. Baka katulad din siya ng iba na pag napikon ay kung anu-ano ang ibinabato. Ako pag nainis ang binabato ko ay globe. Kaya bihira akong makipagdebate. Nahahigh blood ang aking kadebate. Buksan mo man ako ng history book. Mewhehehe

,, ,

20 Comments

  1. mambabasalangpo says:

    lalo ka palang nagiging creative pag galit na. :) nasa background lang ako.

  2. Cathy says:

    salamat. mambabasa ka lang ha. pero magpatuyo ka rin. hehehe

  3. tfitz says:

    Ay, saan ang kabila? I want to read this debate you’re talking about, pretty please?

  4. Cathy says:

    tfitz,
    huwag na. iba si Pusa doon.

  5. Carla says:

    Hi Ca t,

    Nabasa mo ba ng buong-buo yung article? Tingin ko hindi naman iniinsulto ni Sheila Coronel ang mga yayang nagtra-trabaho sa ibang bansa. Wala naman siyang sinasabing nakakahiya ang mga yaya at hindi rin niya sinabing walang propesyonal na Pinoy sa ibang bansa.Ang sinasabi niya, “conflicted” ang mga Pinoy tungkol sa imahe ng mga kababayan natin sa ibang bansa at talagang “emotional” ang issue na ito para sa ating lahat. Tinatalakay din niya ang mga “social cost” ng Filipino diaspora. Ano’ng sama doon? Ito yung link sa original article: http://www.pcij.org/i-report/2/yaya.html.

    Parang may kontradiksyon sa argumento mo. Kung walang masama sa pagiging yaya o katulong, bakit ka nagagalit kung tawagin tayong bansa ng mga yaya at katulong?

    Malalim ang paghanga ko kay Sheila.Peryodista siya mula panahon pa ni Marcos at dahil sa kalidad ng kanyang pagsusulat, nanalo siya ng ( “Asian Nobel”) Ramon Magsaysay Award for Journalsim noong nakaraang taon. Hindi ibig sabihin hindi siya maaaring punahin, pero siguro, dapat mas may laman yung puna kaysa sa “Shee…ka.”

  6. Cathy says:

    Carla,
    Maari ko bang isulat yon kung hindi ko nabasa. Ang aking title ay BANSAG, LABEL in English. The title is NATION OF NANNIES. Ilagay mo ang sarili mo sa sapatos ng mga foreigners na nagbasa nang walang kaalam-alam tungkol sa Pilipinas, ano ang magiging impression. TAYO AY BANSA ng MGA NANNIES. At dahil hindi maganda ang connotation ng nannies sa iba, ang magiging akala nang mga ignoranteng walang alam sa Pinas ang titulo ang matatak sa kanilang utak.

    Naiintindihan mo ang ibig sabihin ng parabula. Tawagin mo ang sarili nang kung anong titulo o pangalan at yon ang kanilang itatawag sa sarili.

    Maari namang ang kaniyang nagiging titulo ay Bansang Tagapaghubog ng mga Lider sa Kinabukasan.

    Dahil sa talagang may agenda siya na bigyan nang masamang credit ang bansa kahit na maingat siya sa kaniyang pagtalakay, ang dating ay negatibo pa rin. . Don’t you know HOW TO READ BETWEEN THE LINES. Basahin mo ang huling linya. Psycohologically battered ang mga Pinoy?

    Hindi ako naninwala sa mga award award. Pag mali ang isinulat ay binibira ko.

    Nakita mo sigurong walang laman ang aking puna dahil hindi inabot ng iyong pag-unawa ang aking mensahe. Kung susundin natin ang likaw ng iyong utak, ibig bang sabihin pag peryodista, tama na ang kanilang opinyon.

    Sila binabayaran para magsalita ng opinyon. Ako nagbabayad upang magsulat ng aking opinyon.

  7. Trosp says:

    Dati, specially during Makoy’s time, bilib ako kay Sheila Coronel as a fighting journalist. Pero ngayon, wala na. Parang tingin ko, she’s trying hard to be a controversial one. Parang more on commercial side ang style nya ngayon. I got tired of visiting her PJIC site.

  8. Cathy says:

    Trosp,
    Nababasa ko rin ang mga reports niya noon tungkol kay Erap. Pero hindi lahat ng mga isinusulat ng mga journalists na yan ay tama.

  9. Cathy says:

    Reposted:

    Report on comment number 1 (id=4461)
    Comment Author: basangpanaginip
    Comment Type: Comment
    Comment Content:
    I grew up with yayas and had a series intimate affairs with a few of them.

    This is my take on the whole OFW issue:
    http://basangpanaginip.blogspot.com/2005/12/christmas-balikbayan-why-return.html

  10. Cathy_estudyante says:

    magandang gabi..! nag reresearch po ako at accidentally nakita ko po yung article nyo… para sa akin diko man alam ng buo ang ibig niong sabihin kahit papaano nka relate ako sa article nyo… tatanong ko lang po ano po ba ang definition nyo sa diaspora? bago ko lang po kasi ito narinig at parang napakalalim ng ibig nitong sabihin… maari mo po ba akong tulungan?

  11. Cathy says:

    Punta ka rito. Nandoon lahat ang definition at
    ang example.

    http://en.wikipedia.org/wiki/Diaspora

  12. Cathy_estudyante says:

    para sa sayo po..?
    anung definition mo po sa diaspora?

  13. Roy says:

    Hello! I harvest statistics of meanings of users on sites as this. Answer: Like or Not Like. Thanks!

  14. Jonel A. Atienza says:

    Gusto ko pong bigyan nyo ng puna ang isinulat ko sa GMA OFW eto po ang link.

    http://www.gmanews.tv/story/110086/Usaping-OFW-na-inaamag-na

    Thanks,

    Jonelsky

  15. Cathy says:

    jonel,
    binasa ko ang iyong sinulat. magaling.

    sa mga hindi nakapunta sa iraq at hindi nakikita ang kalagayan diyan maliban sa mga balitang namamatay na mga sundalo, mga mamamayan, talagang iisipin na dapat ipagbawal ang pagpunta sa iraq.

    sa pamahalaan siguro gusto nilang to play safe na hindi masisisi pag may balitang may patayan sa
    irag.

    kahit dito sa US, ang mga pamilya ng mga sundalo ay nag-aalala sa kanilang kamag-anak na ipinapadala sa iraq.

    mayroon bang consulate ang pilipinas sa iraq?

  16. joesel jay says:

    oh yeah whatever country calls us NATION OF NANNIES then what are they nation of masters oh yeah but once our country flourish us the biggest investment location in the world they’ll definitely change it and the next nation of nannies will be them fuck all of the countries that call us that our country is wealthy in such means the only problem is the attitude of some filipinos that dont care about their country but that they are just living here where once a wealthy country and we are sure we could come back to what we are again all that i can say to the countries that call us that are ARISTOCRATS puta kayong lahat ang bansa nyo at kayo ay isang malaking puta. . . !

  17. lolo na ako! says:

    …….akala ku ang parabula gumaganap tao….

    …….bk8t dyan ay hayup apo!

  18. jovenille says:

    kindly write about the parable of the moth (jose rizal)…please if yo don’t mind! i need your ideas, because i know your more expert on this matter than me.. thank you! i’ll wait for it..

  19. Cathy says:

    You can read the story about Rizal and the moth here.

Leave a Reply