Now What, Cat? Rotating Header Image

Diary of the Caregiver 4

(Salaysay ng isang caregiver sa US of A)

Kalahating araw lang ako nagtrabaho doon sa matandang Aleman na babae kasi ibabalik na raw sa kanyang apartment unit.

Kaya hapon, pinuntahan ko ang aking kaibigang tumawag. Pinageekstra niya ako sa isang matandang inaalagaan nila. Ang nila ay limang caregivers. Tatlong relyibo sa weekdays at tatlong relyibo sa weekends.

Ang akin daw pag nakapasa ako sa interview ng asawa ay mula alas kuwatro, hanggang alas nuwebe ng gabi. limang oras, pitong araw, tatlumpung oras din yon. Hindi dadaan sa ahensiya kaya walang deduction ng tax. Under the table baga. Hummm, hindi masama.

Kumatok ako sa pinto ng apartment unit na nasa ikaanim na palapag. Huwag mong isnabin, ang halaga noon ay isang milyon. Binayaran ng pamilya pero pag namatay ang dalawang matatanda ay babalik ito sa namamahala ng pasilidad na yon.

Pinapasok ako ng matandang babae na asawa ng pasyente. Malaki pala sa loob ang apartment. May dalawang kuwarto, may living room, may dining room at dalawa ang bathroom. Ekkk ang carpet ay puti. Dali-dali kong hinubad ang aking sapatos na nabasa ng ulan sa labas.

Mayroon silang live-out na housekeeper pero ang gawa lamang ay maglaba, mamalantsa at maglinis-linis sa apartment. Ang pagkain ay sa dining room ng building kung saan nagkikita kita ang mga matatandang nakatira doon. Formal ang kanilang suot na akala mo ba ay laging may party.

Pinaupo ako ng matanda. Ngumiti siya. Sabi niya ang housekeeper daw niya ay pinay din. Ang kaniyang part time driver ay isang Itim. Lahat ng caregiver(tawag ay narses) ay Pinoy kaya natutuwa raw siya ay inerekomenda ako ng aking kaibigan.

Wow, yon palang lagay na yon. Tanggap na ako. Togudog,togudog. Puso ko yon. masaya.

Kailan daw ako puwedeng magsimula ?

Oy talaga palang tanggap na ako. Kailangan makapagnobena sa limang simbahan.

Sabi niya. Dapat daw yong dalawa niyang anak ang kakausap sa akin kaya lang wala sila sa bansa kaya yong abugado na lang nila ang mag-aasikaso ng aking mga papeles.

Sabi niya, siguro naman, hindi raw ako kriminal. Tiwala raw siya sa rekomendasyon ng aking kaibigan.

Ay talaga po. Kung pagpatay nga lang ng langgam di ko pa magawa.

Nakita ko ang matandang lalaki na dumating. Nakatungkod siya. Ang ngiti niya ay matamis pero ang mata niya ay lampas ang tingin. Kasunod niyang nakaalalay ay isang caregiver na Pinay.

“So did you enjoy your walk in the garden ?” tanong ng asawa.

Ngumiti lang ang asawa.

” Care for juice? ” tanong ng matandang asawa sa amin at sa lalaki.

Sabi ko tenk yu. I will be going.

“Alrighty, so I expect you to come tomorrow. Marcia is going to brief you how to prepare him for the 5′o clock dinner.”

Sus, ano kaya yon?

Paalam ako sa kaniya at nakarating ako sa bahay na kinakabahan, masaya at excited.

Tanong ko nga pala sa kaibigan ko, anong nangyari doon sa papalitan ko?

“Binuntal ng matanda. Hindi na bumalik”, sabi ni Marcia.

Ngeee.

http://cathcath.com/?p=1380

http://cathcath.com/?p=1377
http://cathcath.com/?p=1372

15 Comments

  1. arn says:

    Ang lakas ng tawa ko dito sa opis…sa last part: binuntal! Buking tuloy ako na nagbabasa ng blog mo hehehe. Ganda ng climax mo…parang akong nagwiwindow shopping na biglang nahulog sa imburnal!

  2. este…you know, my mother in law retired from her work and also did weekend care giver to an old irish woman, in the condo complex where she takes care of the old lady, may pinay na hinampas ng martilyo ng tsoggang inaalagaan niya. buti na lang baldado na ang gurang, at hind fatal …kung hindi amnesia ang bagsak ng caregiver.. but there are good ones. my mother in law got this old maid. she does not have any relative in the states. we found out she was a catholic nun and when she came to the states, she left her congregation and became a caregiver. the old man that she was caring for died and left the house to her, in his last will and testament. the children of the old man did not contest it. they said this nun took care of their dad for 12 years and they have seen how good she was with their handicapped dad until he was bed ridden. the children said they have their own houses and family, so they did not contest the will. this ex-nun is the eldest in the family and she have already sent all of her siblings to college and have put up a grocery for her parents back home and bought a rice field that her dad was working on before. now she has the money to hire an immigration lawyer. she still sleeps at my mother in law’s house on her off days on the weekends. i could tell you lots of good and bad stories about our kababayan who are caregiver here in the states. we own an agency here in Chicago called ORIEMAN, Inc. a family corp.

  3. rolly says:

    hahaha, akala ko pa naman ang swerte swerte na nya. pero pwedeng mangyari yan. Minsan talagang grumpy old men yang mga yan. hehe
    Kungsabagay, madali lang yan. Madali namang ilagan ang suntok. Pwera na lang kung magpumilit na kailangan tumatama ang suntok nya.

  4. celiaK says:

    OMG, kailangan mo ng helmet at body armor sa trabahong yan. O di kaya lunukin mo na lang yung bato … dali Darna !! :lol:

  5. Cathy says:

    arn,
    salamat at nag-eenjoy ka.

  6. Cathy says:

    frat,
    welcome ang kuwento mo. dami akong alam na stories ng caregivers kaya isinusulat ko para naman yong mga pamilya nilang nasa pilipinas na akala nila ay madali lang kumita ng pera ang kanilang mga kamag-anak na nasa ganitong klase ng trabaho ay mabuksan ang mata.

    at para rin sa mga pulitiko, na bangayan ng bangayan habang naghihirap ang mga nagpapadala ng dolyar diyan ang mga overseas pinoys. tsee nila.

  7. Cathy says:

    titorolly,
    pag sinumpong ng sakit nila ang matatanda kahit mabait sila ay puwede silang manakit.

    marami pa silang malalaman sa mga sakit na ito habang ikinikuwento n=ko ang kanilang buhay.

    Kahapon laman ay tinawagan ko ang aking kaibigang nars at itinanong ko kung ano ang estado ng isang pasyenteng nasa ICU?

    Sabi niya, maaring dinala lang sa ICU para eestabilize ang kaniyang kalagaya.

    Pag may cancer ang tao, hindi na dinadala sa icu kung malapit ng mamatay. Binibigyan na lang comfort care.

    eeek bakit ba ako napunta sa pulitika.

  8. Ting says:

    Yung mga Jewish na patients, verbal abuse pa ang ginagawa nila pero malakas magbayad. Tiisin mo na lang. Hahaha

  9. bugsybee says:

    8O Wala akong masabi sa binuntal. But alam ko naman na kayang-kaya mo ang mga ganyang sitwasyon. As for verbal abuse, tagalogin mo na lang at pag nagtanong, sabihin mo na witch’s chant yun.

  10. bugsybee says:

    :oops: eeek, not paying attention na naman ako … antok lang ‘yon Cath. Sorry. Paki-sabi na lang doon sa caregiver. He he.

  11. [...] y shooting. Makaextra nga. Pero nasaan ang camera ? Related articles Part 7 Part 6 Part 5 Part 4 Part 3 Part 2 Part 1 Permalink Leave a Comment Name (req [...]

  12. [...] g matahimik. “Good night”. http://cathcath.com/?p=1438 http://cathcath.com/?p=1402 http://cathcath.com/?p=1396 http://cathcath.com/?p=1380 http://cathcath.com/?p=1377 http://cathcath.com/?p=1372 Permalink [...]

  13. [...] umayaw ng pinong-pino. ehek. Pagkatapos may kalabog akong narinig. http://cathcath.com/?p=1402 http://cathcath.com/?p=1396 http://cathcath.com/?p=1380 http://cathcath.com/?p=1377 http://cathcath.com/?p=1372 Permalink [...]

  14. [...] , lumalabas pa rin ang kanilang kabutihan. Mamahalin ko ang taong ito. Nasaan ba ang toilet paper? http://cathcath.com/?p=1396 http://cathcath.com/?p=1380 http://cathcath.com/?p=1377 http://cathcath.com/?p=1372 Permalink [...]

  15. Tim Hyung C. says:

    :lol: Yahoo ME >> soullllllllbrownnnnnnnn@yahoo.com.hk
    want to imed you

Leave a Reply