Diary of the Caregiver
Pagkatapos na magkaunawaan, nalaman niya na lang na ang matanda ay na-confuse
Dahil sa napanood niyang balita tungkol sa pagkakabomga sa isang building kung saan
maraming namatay.
Siya ay isang beterano ng ikalawang digmaan at marahil nakapagpabalik sa kaniyang alaala ang malagim na eksena kung saan ipinakita ang mga gumuhong parte ng building, ang mga taong sugatang dinala sa ambulansiya at ang mga taong naghahanap ng kanilang
Pamilya.
Sa kaganapang ito; isinulat niya ang kaniyang obserbsyon.
1. huwag papanooring ng mga balitang malagim o kaya ay nakakasindak ang pasyente
2. ikalawa, kung sakaling nanonood ng mga balita, kausapin ang pasyente upang
maunawaan niya na ito ay balita lamang. Wala siyang kinalaman.
3. babala sa mga kamag-anak na huwag papaniwalaan kaagad ang sinabi ng pasyente hanggang hindi nasisiguron ito ay dahilan ng kaniyang sakit.
Sa isang maliit na papel ay isinulat niya at ibinigay sa asawa ng pasyente bilang rekomendasyon para isakatapuran ng iba pang caregiver. Sa isip niya baka sabihing ATREBIDA siya. Pero sabi ng kaniyang anghel dela guardia
(na nagrereklamo na sa kaniyang kakulitan) ibigay niya.
Tiningnan siya ng …
babae. Binasa ang kaniyang ibinigay. Wala siyang kibo. Walang sinabi.
Patay, galit yata. Yon ang isip niya. Bukas, kailangang makatingin na ng bagong papasukan.
Umuulan na naman nang siya ay lumabas sa kalsada. Basa ang kaniyang putting sapatos.
Wala pa naman siyang ibang sapatos na puti. Tinitipid niya ang pera para makapagpadala siya sa Pilipinas nang malaki-laki. Saka kung sakaling magalit ang pamilya ng may-ari, baka bukas baybay na siya ng trabaho.
Kinabukasan, iba ang inabutan niyang nag-aalaga sa matanda. Sus ginoo. Isa na naming
Nag-give-up. Malaki ang babaeng pumalit. Kaya naman ang bunganga. Parang hindi makapagsalita ng walang Pot—ah naman anoh.
Nakasimangot ang matanda nang nag-uusap sila. Inienglish niya dahil nasa harapan sila ng isang hindi nakakaunawa ng Tagalog. Panay naman ang sagot sa kaniya nang:
Hoy, ako dalawampung taon na ditto, pero Tagalog pa rin akong magsalita. Po—
Ikaw baka wala ka pang limang taon, pa-English English ka. Pot—.
Mas maitim pa ang kulay ng balat mo sa akin. Pot—-.
Hindi siya sumagot. Sabi lang niya ay Good afternoon…Mr. ____.
Don’t you worry, she is not selling you and I am not buying.
You are worth millions and I cannot afford to pay that.
Ngumiti ang matanda.
Tumalikod na ang karelyebo niya. Sipsip.
Sa bawa’t sampung Pilipinang nakadaupang palad niya, may dalawa o tatlo
Na mag ganoong ugali. Ang iba naman ay matulungin at may pakikisama.
Kailangan niyang pumunta sa bathroom para umihi. Sinamahan niya pero hindi niya isinara ang pinto.
“ My dear President, I have to secure the premises. I am not your trusted security. Can you allow me to leave the door openâ€. Sabi niya sa boses ni Stallon. Kasama ang mga accent na hindi maintindihan.
“Hahahaha,†sabi ng matanda ng lumabas. You are really character, do you know that?
I wish others are just like you. Those girls make me feel, I am the hopeless being in the worldâ€.
“Do you know that there was an instance…huminto siya…pero hindi niya maalala
we were not allowed to take our breakfast. I was hungry and thirsty. Then we got by a small toilet. I was so thirsty that I scooped a little water from the water tank. So refreshing, so dirty…..
Tumawa ako. “You do remember those moments, huh?â€
May dumating. Anak niya na siyang executor at nagpapasuweldo sa kanila.
Hawak nito ang papel na ibinigay niya sa kaniyang ina.
Lagot. Galit yata.

