Now What, Cat? Rotating Header Image

Diary of the Caregiver part 3

(Salaysay ng isang caregiver sa Pusa)

Nangungupahan ako ng isang kuwarto sa bahay ng mag-iinang Filipino rin. Kahati ko ang isa namang nagtatrabaho sa airport. Ang matandang may-ari ng bahay ay nagbaby-sit “live-in”sa isang pamilyang Filipino kung saan nag-aalaga siya ng tatlong bata. Sa Sabado ay umuuwi siya at naglalaba at nagluluto para sa kaniyang dalawang anak na nagtatrabaho naman sa sales.

Mabait ang matanda kaya lang masyadong mahigpit sa anak niyang lalaki. hindi doon sa babae. Ayaw niyang manligaw yong lalaki kahit na kung sino na lang. Kailangang interviwehin niya.
May qualifications yata. Buti na lang hindi ako kandidata para sa kaniyang anak. Aaaat ,hindi rin siya puwede sa akin. Ang amoy ko ay may tinatagong kalandian. Hindi ko nga lang mahuli
dahil tikom ang bibig niya palagi.

Pero alam ko pag ang mga imbay ng balakang …

niya ay magkamali lang mapalakas sa kaliwa at kanan ay masasabi ko nang TAGUMPAY ang aking pagmamatyag ng ilang buwan. Choss acheng, hindi siya puwedeng magtago sa akin kahit ag boses niya ay palakihin pa niyang katulad ng kay Ahrrrnold Swass…whatever. Amoy ko ang mga yan. Kahit na men’s cologne pa ang gamit niya.

Walang tao sa bahayski. Kaya binuksan ko yong binili kong ginataang gulay doon sa Pilipino restaurant, tinaas ko ang aking isang paa at para akong hayok na kumain ng kanin na nilagyan ko ng gulay. Tawag ko doon ay Veggie’s over rice.

Nagspray ako ng air freshener para maalis yong amoy ng ulam. Itinago ko ang tira. Sinulatan ko ng pangalan ko. Ganoon kasi ang gusto ng matanda para raw hindi mapagkamalian. Ang freezer nga puno noon. May mga labels. Parang freezer daw yong sa Pilipinas niya kasi nagtitinda siya sa palengke noon.

Nilabhan ko muna ang aking unipormeng puti. Matutuyo rin yon kinabukasan.

http://cathcath.com/?p=1377

http://cathcath.com/?p=1372

Tumunog ang telepono namin sa kuwarto. Isang kaibigan. Baka raw gusto kong mag-ekstra.
Sabado’t Linggo lang. Isang mayamang matanda. Kung gusto ko, magpainterview ako sa asawa.
Sabi ko, oo.

Bukas yon. May umaga ulit.

5 Comments

  1. [...] ing. Makaextra nga. Pero nasaan ang camera ? Related articles Part 7 Part 6 Part 5 Part 4 Part 3 Part 2 Part 1 Permalink Leave a Comment Name (required) [...]

  2. [...] oon sa papalitan ko? “Binuntal ng matanda. Hindi na bumalik”, sabi ni Marcia. Ngeee. http://cathcath.com/?p=1380 http://cathcath.com/?p=1377 http://cathcath.com/?p=1372 Permalink 14 Comments [...]

Leave a Reply