Now What, Cat? Rotating Header Image

Summary of Chapter 15 of El Filibusterismo of Jose Rizal

Summary of Chapter 15 of El Filibusterismo
Si Ginoong Pasta

Isa siyang manananggol na kaibigan ng amain ni Isagani. Marami siyang kliyente at siya ay pinagkakatiwalaan ng mga prayle.

Nang araw na iyon ay dinalaw siya ni Isagani upang kumbinsihin siyang tulungan sa kanilang proyekto na Akademya ng Kastila.

Alam ng matandang mananangol na marami ang sumusuporta kina Isagani subalit alam din niyang tutol si Pari Sybila ang Vice Rector sa poamantasan.

Nagdebate ang dalawa dahil ayaw ni Ginoong Pastang sumuporta. Pinayuhan niya ang binata na kalimutan ang akademya at hayaan na lang ang mga istudyanteng matututo sa kanilang sariling sikap total, marami na namang doctor at abugado at ang kailangan ng bayan ay mga magsasaka.

Nainis si Isagani sa mga narinig niya sa mananamggol at pinarunggitan niya na pagsapit niya ng ganoong edad, marahil marami na siyang maipagmamamalaking natulungang kababayan.

Ang manananggol ay takot lamang sa mga naoobserbahan niyang mga kabataang humihingi ng pagbabago sa Europa pero takot umuwi dahil sila ay napagbibintangang pilibustero.

Umalis si Isagani na bigo at masama ang loob.

Leave a Reply