Now What, Cat? Rotating Header Image

Weird?

Dear mouse,
Titorolly tagged me. Para hindi mabatukan, ito I am enumerating the six weird things about moi. Dahlings, parang “hinubaran” na naman ang pusa nito sa mata ng mga magbabasa.

Anyway, these are some of things that I consider my “weirdos”.

1. I am a tattoo lady (weep Britney Spears)

Ah hindi po nakatattoo doon… sa aking braso, o sa dibdib. Hindi rin po agila o kaya ay puso na may koronang tinik…at hindi rin po mga pangalan ng mga lalaking aking nagkaroon ng kaugnayan, mapupuno po ang aking hita braso pag nagkaganoon. Achecheche.

Nakikita ninyo itong retrato sa ibaba?

cathcath.com

Mata ko po yan. Nakita ninyo ang eyeliner ko? Hindi po pencil o liquid eyeliner yan kung hindi TATTOO.

Sabi nga ng mga kakilala na nakikita akong di pa makamulat sa pagkakagising, ang weird ko raw, nakamake-up na ako.

Sa totoo lang, hindi po ako ang may kasalanan at nagkatattoo ako. May allergy po ako sa mga make-up sa mata at sa labi. Pag hindi kasundo sa mata ko, maluluha ako palagi. One time, mayroon akong speaking engagement. Syempre, make up ako, kahit hirap ang mata ko. Buti na lang kanyo, bago ako nagpatuloy sa aking pambobola sa mga attendees, pumunta ako sa ladies room at muntik ko nang pakitaan ng malaking krus ang babaeng nasa salamin. AKO PALA YON. Kaya lang nangingitim ang paligid ng mata ko. Kumalat ang aking eyeliner. Para akong zombie. Ack ack ack. Dali-dali kong pinunasan na sa tindi ng pagpahid ko muntik nang mabura ang aking mata. hekhekhek.

Yong isa kong associate na babae na talaga namang hindi lalabas ng bahay yong kung hindi ayos ang kaniyang make-up, buhok at damit ang nagdala ng tattoo artist sa bahay ko para patatuan ang aking mata para hindi ko na kailangan ang mag-eye-make-up. If I know, gusto lang niyang may karamay sa sakit. Pagkatapos ng dalawang oras na hilahan ng kamay, sigaw na nakakagimbal sa buong village, natatuan din ang aking mata. Kaya mula noon, hindi ko na kailangang magtungkod para makita ang daan dahil sa nakasara kong matang mahapdi pagnaglalagay ako ng eye-make-up. Landi ko noh? Ang sumagot ng oo, sasampalin ko.

2. I never wear skirt, in fact, I do not have skirt or dress in my closet.
white lady

Ay mga kabarangay, kababaryo at kaututang dila, never, never akong nagsuot ng palda o damit dito sa Estet. Sa Pilipinas, ilang beses lang. Minsan sa kasal kung saan ako ay kasama sa entourage. Pero ang hindi nila alam, may pantalon ako sa ilalim ng gown na yon. hehehe

Nang ako ay grumaduate, nakapantalon din ako. Kulang na lang kaladkarin ako ng usher pababa ng stage. Kaya, nililis ko at nilagyan niya ng safety pin para matago sa aking toga. Tsee niya.

Sa San Francisco naman kasi, karaniwan na sa babae ang nakapantalon. Sa financial district noon, mga nakaskirt at pantyhose ang mga ladies. Minsan sinubukan kong magskirt, para akong may hemorrhoid na hindi mapakali sa aking desk. Minsan naman sinubukan ko ang paldang mahaba at maluwang, eh mahangin sa San Francisco, para akong Marilyn Monroe na panay ang utos sa palda na bumaba dahil halos tumakip sa mata ko. Nakabody tights naman ako anoh, dahil malamig.

3. I eat the sandwich fillings first, then the bread.
Huwag ninyo akong tanungin, bakit, dahil di ko alam. Una, kinakain ko ang tomato. Tapos isusunod ko ang bacon o kaya ang hamburger o ano man ang palaman. Pag wala nang palaman, saka ko gugutayin ang tinapay at kakainin. Weird? Sabi yong weird eh.

4. I drink eight cups of tea a day. Minsan sobra pa. Sa dami nga nang iniinom kong tea, magiging green na ang aking kulay. Ala alien ba. So tanong ninyo, madalas ako sa bathroom? Ano fa. Saan ko naman dadalhin ang tubig na yon.

5. I can not bathe in the swimming pool or beach. Isa kahit lumaki ako sa bahay na nakaharap sa Pacific Ocean, hindi ako natutong lumangoy. Isa pa takot ako sa tubig. Hoy naliligo ako sa shower anoh. Takot lang ako sa tubig na lalanguyin. Must have been my near death xperience when I almost drowned at the age of 5.

6.Siguro pinsan ko sa Darna

Ni hindi ako nampipitik ng langaw pero pag galit ako , nagiging malakas ako. Di ba naikuwento ko na yong snatcher na binugbog ko sa kalsada nang mahuli ko. Ayon, lamog ang aking kamay sa sakit nang pagbuntal sa kaniya. Araay. Minsan naman may yong lalaking pamangkin ng aking landlady noon sa apartment na tinirhan ko ay sinira ang aking mga gamit para takutin ako para umalis na doon dahil gusto nilang patirahin ang kanilang kapatid na walang trabaho. Ano bang takot-takot, o sige bugbugan na. Lalaban ba siya sa sundang Bicol?

Gusto ko mang bigyan pa kayo ng kaweirdohan, ay ‘wag na lang. Sino ba ang tatapikin ko? Gusto kong malaman ang kaweirdohan ng mga sumusunod: Kumakain ba sila ng bubog, tumutulay ba sa alambre o nginangatngat pa rin nila ang dulo ng kanilang kumot.
Si Kiwipinay, Reyna Elena, Fraternam Meam, Jmom at si Watson.

The Ca t

,

12 Comments

  1. reyna elena says:

    tao po!!! nagawa ko na po assignment ko. submit ko po mamyang gabi-i. papahiya ko na naman sarili ko. huwaaaaa!!!

  2. rolly says:

    riot ito, Cat, as I expected!

    kaya pala maganda parati mata mo sa picture – dahil naka tatoo na make up.

    I can understand number 5! E hindi ka nga makapag palda, bikini pa kaya? hahaha

    salamat sa pagpapaunlak mo.

  3. Cathy says:

    reynz,
    nasaan naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa?

    hehehe haba nyan.

  4. Cathy says:

    thank you titorolly,
    pero pagnapansin mo palaging nakashades si pusa hindi dahil nagpapalimos. Kasi sensitive din sa init ang mata ko. hay buhay. colorblind na, nightblind pa.

  5. JMom says:

    natawa ako dun sa tattoo mo, CaT. Akala ko sasabihin mong meron ka sa secretong place. lol!!

    o sige, gawin ko na tong assignment na to :) Musta ka na?

  6. Cathy says:

    tenks jmom.

    naku ang sakit siguro doon. saan ba? hehehe

  7. [...] reynz01:01 amAdd comment I have been tagged by The Cat who was tagged by his Titorolly. Since I suffer from some serious ADD, ADS at kung ano ano pang [...]

  8. reyna elena says:

    eto na po: http://reynaelena.com/2007/05/07/6-weird-things-about-me/

    he he he! pinsan ka ba talaga ni darna?! gusto ko talagang ma-meet ang pinsan mo! he he he!

    weird ka nga!

  9. Cathy says:

    ay naku day, minsan dinadalaw ako nin Wonder Woman kaya lang kapapafacelift lang niya. At least si Darna, hindi tumatanda.

  10. [...] Elena tagged me who was tagged by The Cat. And so you’ll be getting to know some 6 weird things about me. Here are the rules: Each [...]

  11. gelyn says:

    Ms. Cath tagal po pala hintayin ang eligibility..Last November 2007 pa ako nag file sa California ng application ko for NCLEX pero until now wala pa eligibility ko…i’m thinking of, what if i’ll try to convince my sister na sya mag sponsor sa akin to work there..mas madali kaya yong ganun? I’m so bored na dito..nahihirapan din ako mag hanap ng work. Thanks and God bless. you.

  12. Cathy says:

    gelyn,
    ano ba ang business ng sister mo?

    did you check it is taking so long?

Leave a Reply