Dear mouse,
First ahem, this is the 3,002th blog entry of this website.
Second, this is the continuation of the discussion of causes of failure of businesses put up by OFW/OF.
2. Poor inventory management
This pertains to businesses that stock inventories. Even service businesses like restaurants, beauty parlors and motor shops carry inventories of supplies.
They say that restaurants or anything about food is “tubong lugaw”. OO nga lugaw ang kakainin ninyo oras na bumagsak ang negosyo because of poor inventory management.
Alam ninyo ba kung may nagsashopping ng mga dressed chicken,mga kamatis, bawang at spices sainyong restaurant? Paano? Eh hindi naman puwdeng ilagay ito sa bag o sa bulsa ng mga empleyado ng restaurant?
Eh di inilalagay nila sa basura. Ekkk. Basura ba ikanyo. Hindi ba ninyo ako narinig. OO ah. Binabalot nila ng makapal ng maraming plastic at inilalagay sa trash bin. Pag inilabas na ang malaking basurahan, nag-aabang na ang kakutsaba para isalba ang mga kawawang chicken para hindi makolekta ng basura. Tapos pinagbibili nila ito sa mga maliliit na restaurant o kaya ay sa mga nagtitinda sa palengke ng mga tingi, kagaya ng paa lang, o kaya, pakpak lang. Sinong lugi, di yong ma-ari ng restaurant.
Ang mga supplies naman ng beauty parlor ay paboritong kurakutin ng mga beauticians. Naalala ko ang usapan sa telepono noong kakilala ko at ang kapatid niya na nagtatrabaho sa beauty parlor.
Oy ache, wala na pala akong acetone. Pauwi nga. Saka nga pala, hiramin mo muna yong kulay pula diyang nail polish at magpapamanicure ako saiyo. O divas. Para bang beauty supply store ng kawawang beauty parlor kung saan kumikita ang kaniyang kapatid.
At hindi lang sa maliit na negosyo yan ha. Sa grocery na pinupuntahan ko rito, dalawang beses ko nang nakita ang empleyadong lalaki na kumukuha ng mga prutas at padisamulang hinuhulog ito sa kaniyang dala-dalang cart na puno ng mga sirang gulay. Hindi naman sira ang mga kinukuha niya.
Nang Biyernes, napansin ko na isinara na yong isang exit papunta sa likod ng grocery. Palagay ko maraming nawawala kaya naghihigpit sila. Kung gagawin nila akong consultant, tuturuan ko sila kung paano nagagawa ng mga empleyado, mga customers ang pagnanakaw at kung paano ito maiiwasan.
Isa sa mga karanasan ko pagiging auditor ang paghuli kung paano nailalabas ang mga libro ng buo mula sa publishing company na aking inuaudit. May mga babaeng security guards ang nagchecheck sa mga empleyadong babae kaya hindi puwedeng maglabas ng isang libro.
Tanungin ninyo ako kung paano. Sige na. Sige na. Sus, ayaw mo di huwag.
Hindi buo nilalabas. Chapter by chapter lang. Tapos binubuo nila pag nakumpleto na. Nakatiwangwang lang naman kasi ang mga tapos nang naimprinta dahil ang isip ng management, sino naman ang magkakainteres sa librong hindi naman kumpleto. Saan kanyo ipinagbibili? Doon sa Recto. Sa mga used books. Murang mura, kasi wala naman silang capital kung hindi tapang ng apog at kapal ng kunsensiya.
Why small businesses fail part 1
Why small business fail part 2
Itutuloy
The Ca t


Natawa ako dun sa tubong lugaw!
Naku Ca T you are so korek about the pitik thing. Pinipitik kahit na ano. Tsaka yung food na dinadaan sa garbage… ginagawa yun sa mga fastfood shops dito! I heard from those who have been there. Been there, done that. hahaha
Naku marami pa yan, Watson, kaya lang magiging mahaba ang blog ko.
[...] that even a sari-sari store should adequately address if it is to grow beyond a sari-sari store. Now, What Cat has an interesting series all on how OFW businesses [...]